Wednesday, March 7, 2012

Coming soon: Jose & Wally - The Movie


Naging matagumpay ang first major concert nina Jose Manalo at Wally Bayola, ang "Jose and Wally Show: A Party For Juan And All" na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong nakaraang Biyernes, March 2.

Napuno nina Jose at Wally ang Smart Araneta, dahilan para bigyan sila ng titulong "Certified Concert Artists" nina Vic Sotto at Joey de Leon nang gabi ring iyon.

Touched naman nang husto sina Jose at Wally dahil sa mainit na pagtangkilik sa kanilang show lalo na nang pinagkaloob sa kanila ang titulong "Certified Concert Artists".

Pinigilan lamang daw nilang umiyak nang mga sandaling ‘yon pero obvious pa ring maluha-luha ang dalawang komedyante dahil sa kaligayahan.

"Hindi namin akalain na pagkakatiwalaan kami nang ganun katindi. Kaya sa lahat ng tiwalang ibinigay sa amin, maraming salamat po," naging pahayag ni Jose sa kanyang TV interview.

"Nakaka-overwhelm kasi nandun lahat maski taga ibang istasyon. Mga Kapamilya, Kapuso at Kapatid," ayon naman kay Wally.

Bukod kina Bossing Vic at Joey, special guests din sa concert sina Regine Velasquez, Ai-Ai delas Alas, Gary Valenciano, Dingdong Dantes, Janno Gibbs, Aiza Seguerra, Ciara Sotto, Dennis Trillo at Aljur Abrenica.

Samantalang inamin naman nina Jose at Wally na grabe ang kanilang naging kaba before their show sa Smart Araneta.

"Ang iniisip kasi namin, una, mabili kaya ‘yung mga tiket? Pangalawa, matutuwa naman kaya ang mga tao sa gagawin namin na mapapanood nila?

"Pero nang binigay na sa amin 'yung diploma, dun talaga ako natuwa," sabi ni Jose.

Dahil kapag sina Bossing Vic at Joey daw ang nagbigay, alam niyang hindi nagbibiro ang mga iyon na itinuturing nilang "maestro" nila sa industriya.

Sa ngayon, iniisip na raw ng concert producer ng dalawa ang pagkakaroon ng Part 2 ng matagumpay na show nina Jose at Wally. Kaya naman happy ang mga TV host-comedians.

"Kung may repeat, okey lang po lalo na kung magpapasaya pa kami ng mga tao," naging sagot pa ni Jose.

Dahil rin sa success ng kanilang concert, magkakaroon na rin ng pelikula sina Jose at Wally na sila mismo ang bida!

It'll be under APT Films at ipo-produce ni Mr. Tony Tuviera, ang may idea at nagbigay din ng kanilang first big concert sa Smart Araneta.

source: interaksyon.com