"Ginoong Pangulo, batay sa ebisensiya, sa mga mismong sinabi at pag-amin ng nasasakdal at bilang pagkilala sa kasagraduhan ng Saligang Batas ng Pilipinas, ito ang hatol ko: Ang nasasakdal na punong mahistrado ng Korte Supreme ay hindi na, hindi na po karapat-dapat sa pagtitiwala ng sambayanang Pilipino (Mr. President, based on the evidence, on the very words and admission of the accused and in recognition of the sacredness of the Constitution of the Philippines, this is my verdict: The accused Chief Justice of the Supreme Court is no longer, no longer worthy of the trust of the Filipino people)," Guingona said.
"I vote to convict the accused Chief Justice of the Supreme Court," he added.
Following is the full text of Guingona's explanation of his vote:
Ginoong Pangulo, sa paglilitis na ito, ang aking boto ay para sa kasagraduhan at kapangyarihan ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas. Mr. President, if there is one thing that our nation would have learned in this impeachment process, it is this: that we must renew our respect for and protect the sanctity of our Constitution of our republic.
Ang ating Saligang Batas ay sagrado at walang sinumang kapangyarihan sa ating bansa ang mas mataas pa dito. Ito ay sagrado, lahat dito dapat sumunod. Ipatupad ito at igalang ito. Ito ay sagrado kaya lahat ng lingkod-bayan, ibinoto o inappoint man sa tungkulin, ay pinasusumpa na ito ay itataguyod at ipagtatanggol.
Ang hindi pagsunod, ang hindi pagtupad, ang hindi pagtatanggol sa ating Saligang Batas ay isang malinaw na paglapastangan sa pinamakataas na batas n gating republika. At sa kaso pong ating nilitis Ginoong Pangulo, pinagaralan ko ang mga sumusunod: nagkaruon ba ng paglabag at paglapastangan sa sagradong Saligang Batas ng Pilpinas? At kung nagkaruon nga ng paglapastangan ay dapat bang hindi na payagang manatili sa kanyang pwesto at tungkulin. Inihayag ba ng nasasakdal ang lahat ng assets, liabilities at net worth niya, bilang pagsunod sa Saligang Batas: ang sagot ko po hindi po ginawa.
Nagkaruon ba ng bahid ang kanyang integrity at probity sa panahon ng kanyang panunungkulan sa pinakamataas na korte ng ating bansa? Ang sagot ko po, opo, nagkaruon ng malaking bahid.
Nilabag ba niya ang utos ng Saligang Batas na siya ay dapat maging accountable to the people sa lahat ng pagkakataon at maglingkod ng may utmost responsibility, integrity and loyalty: Ang sagot ko po, opo nilabag po.
One of the actions of the accused stands out, Mr President.
Mula mismo sa mga labi ng nasasakdal, inamin niya na nakadeposito sa iba’t ibang mga bangko ang mga salapi niya na nagkakahalagang P80M at $2.4M. Pero nasaan ito, nasaan ito, sa kanyang sinumpaang SALN?
Idedeklara lamang ba ito kung kelan gugustuhin ng isang mataas na opisyal? Pwede ba siyang magtago sa likod ng FCDA?
Mr. President, ito ay isang pabaluktot ng provision ng Constitution. How can one man use the very same Constitution which mandates full public disclosure to justify concealment of millions of dollars in his personal bank account? This is constitutional perversion in its ultimate form.
G. Pangulo, sino ba ang inaasahan ng taumbayan para maging pangunahing tagapagtanggol ng Saligang Batas? Hindi ba’t ang Korte Supreme. Ano ang aaasahan natin pagtatanggol kung ang mismong pangulo nito ang unang humahanap ng butas para baluktutin an gating Saligang Batas. Ang Saligang Batas ay sagrado. Anumang paglusot dito, anomang pagbaluktot ditto ay paglabag at papabastos sa pinakamataas na bansa. The Constitution above all.
Ginoong Pangulo, batay sa ebisensiya, sa mga mismong sinabi at pag-amin ng nasasakdal at bilang pagkilala sa kasagraduhan ng Saligang Batas ng Pilipinas, ito ang hatol ko: Ang nasasakdal na punong mahistrado ng Korte Supreme ay hindi na, hindi na po karapat-dapat sa pagtitiwala ng sambayanang Pilipino.
I vote to convict the accused Chief Justice of the Supreme Court.
Maraming salamat po.
source: interaksyon.com