Thursday, August 23, 2012

Rafael Rosell: ‘Yes. I am proud to be Kapuso’


Parang nagsisimulang artista raw muli ang pakiramdam ng hunk actor na si Rafael Rosell ngayong opisyal na siyang Kapuso.

"Naalala ko 'yong unang punta ko rito sa Pilipinas, sobrang excited ako, I was fired up, I was inspired at gan'on ulit nararamdaman ko ngayon kaya sobrang excited ako," pahayag ni Rafael.

"Yes. I am proud to be Kapuso," deklara niya.

Nitong Huwebes, ginanap ang contract signing ni Rafael sa 16th Floor, GMA Network Building. Kasama niya ang kanyang manager na si Popoy Caritativo, GMA Network CEO at Chairman of the Board na si Atty. Felipe L. Gozon, at VP for Entertainment na si Miss Lilybeth Rasonable.

Masaya raw si Rafael dahil sa pagbubukas ng pinto ng GMA para sa kanya noong naghahanap siya ng pagbabago sa kanyang career.

"It's a new journey, new people to work with, new atmosphere. Para sa akin change is good and it will help me develop more as a person and not just as an actor dito sa industriya, pero 'yong experience ko as a person," masayang sabi ng aktor.

Soul Searching

Maging maganda umano ang timing ng GMA dahil nasa yugto siya ng soul searching at paghahanap ng bago sa kanyang career.

"Just to find myself again, only to realize na parang feeling ko kasi, personally nag-stagnate dahil na-experience ko na lahat na feeling ko pwede kung ma-experience sa isang network," paliwanag niya.

Naghahanap daw ng pagbabago ang hunk actor kaya nagdesisyon siyang lumipat.

"I have to explore my options na, so 'yon ang ginawa ko, after one month of soul searching. GMA opened their arms to me and it looked bright, so sabi ko, game! Try natin 'to," kwento niya.

Kasama na rin sa pagbabagong hinahanap ni Rafael ay ang pagpapalit ng bagong manager at dito ay lumutang ang pangalan ni Popoy.

"Matagal ko na kasing naririnig sa mga friend ko sa industriya na interesado si Popoy na magmanage sa akin," ayon sa aktor.

"Siya ang unang naisip ko, so nag-meeting kami at wala namang problema 'yong mga terms and conditions niya as a manager. Tapos okay 'yong rapport namin, so siya na," patuloy ni Rafael.

Rafael at Marian Rivera

Bukod sa kanyang paglipat ng bakuran, masaya rin at ikinararangal daw ng aktor na makatrabaho ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera sa bagong teleserye na Temptation of Wife.

Ayon pa kay Rafael, "Sobrang honored dahil hindi ko na-expect na ‘yon agad ang ibibigay sa akin ng GMA pagpunta ko dito, Pero to be paired up with one of the greatest leading ladies dito sa GMA at sa industriya natin, sobrang honored. At I'll do my best talaga to meet the expectations."

Kasama sa naturang project sina Dennis Trillo na alaga rin ni Popoy. Nasa cast din ang batikang young actress na si Alessandra de Rossi.

Bukod sa soap, ibinalita rin ni Rafael na nakasaad sa pinirmahan niyang kontrata na mapapanood din siya sa Party Pilipinas.

Sinabi ni Rafael na mala "Magic Mike" ang kanyang magiging kauna-unahang production number sa Sunday concert show.

Ang “Magic Mike" ay ang palabas na pinagbidahan ng Hollywood actor na si Channing Tatum tungkol sa buhay ng isang male stripper.

Gayunman, bagaman excited ang aktor sa kanyang pagpasok sa Party Pilipinas, nakararamdam pa rin daw ito ng nerbiyos dahil sa magiging bago ang kanyang kapaligiran.

"Parang 'yong nerbiyos ko tinatapatan 'yong excitement ko. So, naglalaban 'yong dalawa, eh. Kailangan talaga ng nerbiyos at kaba bago magperform, eh, para 'yong adrenaline rush, maximum level," ayon kay Rafael. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

source: gmanetwork.com