Wednesday, March 1, 2017
Matitikas na Igorot, agaw-pansin sa Panagbenga
BAGUIO CITY - Agaw-pansin sa nakaraang Panagbenga festival sa Baguio City ang ilang matitikas na kalalakihang ipinagmamalaki ang kanilang kulturang Igorot.
Kumalat sa social media ang larawang ito ng ilang mga lalaking nakasuot ng tradisyunal na damit habang pumaparada sa Session Road.
Kabilang sa mga tinaguriang "Panagbenga Hotties" sina John Rey Tenedero, Kayzer Brooks Gewan, Kelvin Aguilan-Vicente at si Renz Lou Lagria.
Pawang mga mag-aaral ng University of Cordilleras sina Tenedero, Gewan at Lagria, habang caregiver naman si Vicente.
Para sa kanila, ang pagparada na nakasuot ng bahag ang paraan nila para makilala ang mga taga-Cordillera.
Ayon naman kay Lagria, masaya siya sa naging reaksyon ng mga tao sa kanilang kasuotan.
"Napaka-happy, napaka-joyful ng pakiramdam ko kasi celebration of the festival. Another one is napakita ko 'yung attire na proud kang sinusuot. Saka para iwasan na rin po 'yung pambu-bully sa mga Igorot. Kasi ang perspective po sa Igorot, iba po," aniya.
Hangad din ni Lagria na tulad niya ay ipagmalaki rin ng kanyang mga kapwa Igorot ang kanilang kultura.
"Message ko po sa mga katutubo kong Igorot, ito pong ethnicity natin, ito po yung pagka-unique natin. Ito po 'yung pagka-special natin." - report from Carmela Jimenez and Micaela Ilao, ABS-CBN News
source: news.abs-cbn.com