Dalawang taon na ang lumipas ng ihalal natin ang isang pangulong nangako ng tuwid na daan sa ilalim ng kaniyang administrasyon. Dalawang SONA na ang lumipas ngunit kakarampot na pag-unlad pa rin ang naabot ng mga mamamayan. Mga positibong hakbangin at pagpupugay sa mga narating ang siyang nagmamarka sa buwan ng Hulyo. Gayunpaman, batid ng Konseho ng mga Mag-aaral ng UP Diliman (Konseho) ang tunay na kalagayan ng bansa sa ilalim ng panunungkulan ni Noynoy Aquino. Batid din nito ang mga sektor na dapat pang mas bigyang pansin sa mga susunod na taon ng kaniyang panunungkulan.
Mas Mataas na Badyet at mas Mainam na Pagpapahalaga sa Edukasyon
Bilang isang unyon ng mga mag-aaral na nagsusulong ng demokratikong karapatan ng mga estudyante ng UP, nauuna saaming listahan ang karapatan ng kabataan para sa abot-kaya at dekalidad na edukasyon. Matapos ang naunang dalawang taong pinunan ng mga pagkaltas sa badyet ng SUCs, batid ng mga iskolar ng bayan ang kasalukuyang pagtaas ng alokasyon para sa taong 2013. Ngunit sa kabila ng dagdag na badyet, nararanasan pa rin ng mga estudyante, partikular na sa UP, ang sunod-sunod na pagtataas ng iba pang mga bayarin gaya na lamang ng mga lab at rental fees sa dormitoryo, nakabinbing pagtaas ng matrikula sa PE, at maging ang pagsasailalim ng mga SUCs sa iba't-ibang income-generating schemes. Tampok dito ang pagpasok ng UP sa mga public-private partnerships gaya na lamang ng kasalukuyang pagtatayo ng UP Town Center. Sa pagpasok rin ng bagong academic year, nakita ng mga kabataan sa elementarya at hayskul ang bagong polisiya ng K+12 na ipinapatupad na sa mga pampublikong paaralan, sa kabila ng mga batikos dito. Sa kasalukuyang kaayusan, at mababang kalidad ng edukasyon sa primarya at sekondarya, dapat munang unahin ng pamahalaan ang pagbibigay ng pondo para sa paglalaan at pagpapanatili ng mga primaryang pangangailangan sa paaralan, bago ang reporma sa kasalukuyang programa.
Ang edukasyon ay karapatan, walang uri ng diskriminasyong kinikilala. Malinaw ang panawagan ng Konseho ng mga Mag-aaral ng UP Diliman para sa mas mataas na budget at mas mainam na pagpapahalaga sa kalidad ng edukasyon, partikular na sa mga SUCs. Hindi dapat talikdan ng gobyerno ang kaniyang tungkuling magkaloob ng abot-kaya at dekalidad na edukasyon para sa mga mamamayan nito. Ang pinakamainam na landas patungo sa tuwid na daan ay ang pamumuhunan sa mga kabataan, sa edukasyon na dapat ay natatamasa ng lahat.
Agarang Aksyon sa mga Kaso ng Paglabag sa Karapatang Pantao
Hulyo 26, 2006. Hagonoy, Bulacan. Anim na taon na ang nakalipas ng dukutin ng mga hinihinalang ahente ng militar ang mga estudyante ng UP na sila Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Sa Kasalukuyan, wala pa ring hustisya para sa kapwa Iskolar ng Bayan at sa mga pamilyang naulila. Nang iluklok sa pwesto ang kasalukuyang Pangulo, matatandaan ang pangakong binitiwan hinggil sa pagsugpo sa mga paglabag sa karapatang pantao. Matapos ang dalawang taon, tila lumalala pa ang mga paglabag na ito. Kulang na kulang ang mga hakbangin inilulunsad upang panagutin ang mga salarin at mas lalong protektahan ang paggalang sa karapatang pantao. Hindi na matatawaran ang pagdami ng bilang ng mga biktima. Tungkulin ng administrasyong ito magbigay ng mabilisang aksyon hinggil sa mga nakabinbing kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao at pagtigil sa mga polisiyang nakadadagdag dito.
Mabilis at Malawakang Pagpapamahagi ng Lupa.
Matagal nang inilabas ng Korte Suprema ang utos na ipamahagi ang Hacienda Luisita, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito pinagmamayarian ng mga magsasaka. Nitong nagdaang taon, hindi man lamang umabot ang administrasyong Aquino sa kalahati ng kabuuang target na lupa (220,000 ektaryang) na dapat sana’y naipamahagi sa mga magsasaka. Nanatiling matumal ang pag-usad ng repormang agraryo ng kasalukuyang administrasyon. Habang tumatagal ang paghihintay, umiigting naman ang pangamba na muling maudlot ang tagumpay na nakamit ng mga magsasaka sa ilang dekadang pakikibaka, na nagresulta na sa dalwang masaker, pamamaslang, pandurukot, tortyur at pananakot.
Kung tunay ang layunin ng administrasyon para sa pagpaaunlad ng ating bansa, marapat lamang na tugunan ang panawagan ng ating mga kababayang magsasaka para sa mabilis at malawakang pagpapamahagi ng lupa na monopolisado pa rin ng iilang pamilya, at ginagamit para sa kani-kanilang pansariling ganansiya. Sa ganitong paraan lamang natin matitiyak na ang mga lupang sinasaka ay magsisilbi sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Desenteng Trabaho at Makatarungang Sahod Para sa Lahat
Hindi sapat ang minimum wage ng mga manggagawa para bumuhay ng pamilya ng apat. Ang kasalukuyang Php446 minimum na sahod ng isang manggagawa ay nasa 44% lamang ng tinatantyang gastusin ng pamilya-ng-apat na Php1017. Patuloy ding dumarami ang bilang ng walang trabaho. Kung magkakatrabaho man ang ilan, kontraktwal lang at makalipas ang ilang buwan ay maghahanap na muli ng panibagong trabaho. Noong nagdaang Araw ng Paggawa, ay naging malinaw ang panawagan ng mga mamamayan – hindi lamang ng mga manggagawa, kundi pati ng mga grupo ng kabataan at kababaihan, magsasaka at prupesyunal – para sa Php125 dagdag sahod. Subalit sa kabila ng malawakang mobilisasyon, ay tinugunan tayo ng Pangulong Aquino ng isang depensa na hindi nito itataas ang sahod ng Php125 sa kadahilanang malulugi umano ang mga kumpanya sa bansa.
Mahalaga ang kasiguraduhan ng desenteng trabaho para sa mga manggagawa. Nararapat lamang na ipasa ang Security of Tenure Bill, kasabay ng makatarungang sahod para sa lahat. Matagal ng iginigiit ang panukalang Php 125 across the board wage increase, at umaasa ang Konseho ng Mag-aaral ng UP Diliman na matutugunan na ito sa mga susunod na taon ng kasalukuyang administrasyon.
Para sa mas Makatao at Responsableng Paggamit ng Likas-Yaman
Ang Pilipinas ay kasalukuyang isa sa labimpitong megadiverse countries na kinilala ng Conversation International. Isang napakayaman na laksang buhay. Sa kabila ng kasaganahan ng ating likas na yaman, patuloy naman ang paglala ng kalunos-lunos na sitwasyon nito. Mabilis na nakakalbo ang ating mga kabundukan dahil sa mga iligal na pagpuputol ng mga kahoy, kaingin ng sobra- sobra, at iresponsableng pagmimina. Mas lalo pang lumalala sa ilalim ng administrasyong Aquino ang kondisyon ng ating mga kagubatan at kabundukan. Batid ng konseho ang pagpapatupad ng Executive Order 23 hinggil sa Total Log Ban, ngunit marami paring mga mining companies at ibang logging concessions ang hindi kasama sa polisiyang ito. Kamakailan lang din ay ipinatupad ang Executive Order 79 hinggil sa pagmimina sa kabila ng mga probisyon dito na naglalayon pang paigtingin ang partisipasyon ng mga multinasyonal na korporasyon sa pagbubungkal ng mga yamang mineral ng ating bansa na tayo sana ang nakikinabang.
Sa mga kautusang nilikha ng sangay ng ehekutibo, patuloy ang hamon kay Aquino na muling pag-aralan ang mga ito lalo na’t matindi ang mga pagbatikos ng iba’t ibang sektor. Sa halip na isang kautusan ang ihain, mas mainam na makapagpatupad ng isang bagong polisiya hinggil sa mas makatao at responsableng paggamit ng ating mga likas na yaman.
Pagsulong ng Reproductive Health at Anti-discrimination Bill
Halos labinlimang ina ang namamatay bawat araw sa panganganak. Maraming batang babae ang nabubuntis at hindi nakakapagpatuloy ng pag-aaral habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng HIV/AIDS sa Pilipinas. Ito ay mga problemang ikinakaharap ng ating bansa dahil sa kakulungan sa akmang serbisyo at edukasyon hinggil sa reproductive health at family planning. Dagdag pa dito ang laganap na diskriminasyon sa ating lipunan, na kadalasan ay nakabatay sa kasarian at sekswalidad. Sa pagtanggap sa trabaho, komersyal na mga establisiyamento, at maging sa mga paaralan, dapat lamang manatili ang mga itong ligtas sa diskriminasyon.
Hangad ng Konseho ng mga Mag-aaral ng UP Diliman ang pantay-pantay na karapatan at oportunidad ng mga mamamayan at mabigyan ng wastong serbisyong-pangkalusugan ang lahat. Nanawagan ang aming Konseho na ipasa na ang Reproductive Health Bill at ang Anti-discrimination Bill upang maprotektahan ang kapakanan at matigil ang hindi makatarungang pagtrato sa mga LGBT (Lesbian, gay, bisexual at transgender) at mga kababaihan.
Malinaw ang panawagan at pagtatasa ng Konseho ng mga Mag-aaral ng UP Diliman hinggil sa nagdaan at sa mga susunod pang termino ng kasalukuyang administrasyon. Ang anim na puntos na kumakatawan sa mga batayang sektor ng ating lipunan ang siyang dapat maging sentro ng mga susunod na hakbangin ni Aquino. Umaasa ang Konseho na ang mga pangakong bibitawan sa nalalapit na Talumpati sa Kalagayan ng Bansa ay uugnay sa tunay na kalagayan at kapakanan ng mga mamamayan.
At bilang mga iskolar ng bayan, responsibilidad natin ang maging maalam at mapanuri hinggil sa darating na Talumpati sa Kalagayn ng ating Bansa.
Iskolar ng Bayan! Makialam! Makilahok!
Ika-23 ng Hulyo, Tunghayan ang Talumpati sa Kalgayan ng Bansa!

Makiisa sa People’s SONA!
source: interaksyon.com
source: interaksyon.com