Showing posts with label Kapuso. Show all posts
Showing posts with label Kapuso. Show all posts

Saturday, February 4, 2012

Jean Garcia on daughter Jennica's boyfriend Alwyn Uytingco


Very proud daw si Jean Garcia sa anak niyang si Jennica Garcia.

"Actually, dahil ano... siyempre malaki na rin si Jennica and experienced na rin siya.

"So I'm very, very proud of her kasi parang hindi na siya bata.

"Yung sa kanya, yung pagiging isip-bata niya, siguro mga ways lang niya...

"Yung mga harut-harot niya, doon lumalabas yung pagiging bata.

"Pero yung sa mga desisyon, kunwari sa love, sa pinansiyal, sa buhay niya, ano naman, maayos. Maayos si Jennica.

"Nakikita ninyo naman, di ba? Maayos yung bata, even sa work niya," sunud-sunod na pahayag ni Jean.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang seasoned actress sa presscon ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis noong Martes, January 31, sa Studio 7 ng Kapuso Network.

Kumusta naman si Jennica?

"Oo, happy siya. Happy siya."

ALWYN UYTINGCO. Malugod na tinatanggap na raw ni Jean ang boyfriend ni Jennica na si Alwyn Uytingco sa kanilang tahanan.

"Oo naman, oo naman. Dumaan lang siguro kami sa [proseso].

"Siguro lahat naman ng mga magulang, hindi ba, 'pag may manliligaw ang anak, especially kung babae ang anak mo, normal naman yun.

"Ibigay na natin yun sa mga magulang, hindi ba?

"Na kumbaga parang, 'O, teka muna, maayos ba itong taong ito or ano?'

"Siyempre may mga ganung factors.

"But alam mo, at the end of the day, nakita ko at nang makilala ko si Alwyn, napakabait na bata.

"Napakabait na bata at maayos. Maayos na lalaki at maalaga. Maalaga siya sa anak ko.

"So I'm very happy that they're together now. And... very happy, very happy."

USAPANG KASALAN. Ibig bang sabihin, botong-boto na siya kay Alwyn para kay Jennica, para maging asawa ng kanyang anak?

"Boto ako! Yung botong-boto... parang papakasal na 'yan, e!" natatawang pagpansin ni Jean.

"Hindi, boto lang muna! Boyfriend-girlfriend muna!" ang tumatawang sinabi ni Jean.

Paano kung biglang magpaalam ang dalawa na magpapakasal na?

"Aba'y depende kung sa kaya na nila, hindi ba?"

Sa tingin ba niya kaya nang lumagay sa tahimik ng anak at ni Alwyn?

"Hindi pa kaya," sagot ni Jean.

"Hindi pa kaya dahil hindi pa kaya ng nanay na mawala ang anak niyang panganay!

"So, hindi pa kaya ni Jennica. Hindi ko pa carry, hindi ko pa carry.

"Huwag muna, bata pa sila, marami pa silang dapat i-enjoy.

"At dahil si Alwyn din naman maganda din ang career at marami ring trabaho, si Jennica ganun din sa GMA-7.

"So trabaho, tapos, you know, enjoy nila ang kanilang kabataan."

Hindi raw siya nagkukulang sa pagbibigay ng payo kay Jennica.

"Oo naman at saka maski si Alwyn kinakausap ko siya."

May naibigay na ba siyang advice kay Alwyn o tinakot niya ang binata?

"Ang pangit naman ng pananakot!

"Kontrabida lang naman ako sa telebisyon at sa pelikula, mabait ako sa totoong buhay.

"Wala namang pananakot. Ang sabi ko lang sa kanya, 'Alam ninyo na ang tama at mali, di ba?'

"Sabi ko lang, huwag niyang paiiyakin ang anak ko kasi pag pinaiyak niya ang anak ko, lagot siya sa akin.

"Ganun ka-sweet, 'Lagot ka sa akinnn 'pag pinaiyak mo anak kooo....'" natatawang pag-ulit niya sa kanyang tinuran.

PREGNANCY ISSUE? Nagsalita rin si Jean tungkol sa balitang buntis daw si Jennica.

Aniya, "Hindi ako nag-alala at hindi ako naniwala.

"Kilala ko kasi ang anak ko, e. I really trust her.

"And siguro naman sa mga pinagdaanan ko sa buhay ay alam naman siguro niya kung ano ang tama at mali.

"Sabi ko nga sa kanya, 'Honey, kumbaga, ito yung mga na-experience ko.

"'Kung may mga palpak man o may mga negative man diyan, tumayo ako kasi nandiyan ka, di ba?

"'Maaga kang nandiyan na anak ko, di ba?

"'So, ikaw yung inspirasyon ko and everything.

"'So, ikaw, yung mga na-experience kong ganun, huwag mong lagyan ang buhay mo ng ganun.

"'Yung sa akin destiny ko yun, e, di ba? Ikaw iba yung destiny mo.

"'So sana, natuto ka sa lahat ng mga mistakes na nangyari sa akin.'

"Pero sabi ko nga sa kanya, kailangan din niyang matuto, e.

"Kaya hindi ko rin masyado nirerendahan dahil alam naman niya kung ano ang tama for her at makakasama for her.

"Kasi yung maliliit na mga bagay na mistakes, pagbibigyan natin 'yan kasi kailangan niyang ma-experience talaga."

DATING? Si Jennica ba ay boto naman sa mga nakaka-date ng inang si Jean?

"Naku, yung anak ko nga pinu-push pa ako!" tawa ni Jean.

"Kunyari nagtrabaho ako, 'tapos meron ako kunyari dalawang free days...

"Siya pa yung nagpu-push sa akin na, 'Ma, lumabas ka naman, ano ka ba naman? Lumabas ka.'"

Pero ayon sa magaling na aktres, matagal na siyang hindi nakikipag-date.

"Parang matagal na rin, parang before pa ng holiday season," nangingiti niyang pahayag.

MANGGAGAWAY. Sa kanilang bagong serye na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, "manggagaway" ang role ni Jean o diyosa ng mga sakit.

Sa tunay na buhay ba, kung may kapangyarihan siyang itim, may nais ba siyang paggamitan nito?

"Wala naman, I'm a lover! I'm not a fighter. I'm a lover," sabi niya.

Sa isang interbyu kay Cherie Gil, sinabi ng aktres na "nami-miss" na niya si Jean.

Nagkasama ang dalawa sa Time Of My Life at naintriga pa noon na nagtarayan sila sa set.

Ayon naman kay Jean, "Miss ko na rin siya!

"Alam mo ba ang tawag niya sa akin? Frienemy!

"Oo, kasi ako kumbaga friend niya ako, pero enemy niya ako sa teleserye. kaya frienemy, di ba?" -- Rommel Gonzales, PEP

source:gmanetwork.com

Friday, January 27, 2012

Dennis Trillo reveals what he likes most about Bianca King


Dennis Trillo finally opens up about his budding romance with fellow Kapuso actress Bianca King.

The Kapuso actor admitted they became close when they worked on the afternoon soap, Sinner or Saint.

During the press conference of Biritera held last night at Studio 7 of GMA Network, the actor dismissed talk that they were are already in a relationship.

"Nandun pa kami sa stage na getting to know each other at ine-enjoy namin ang oras naming pareho. Dahan-dahan lang...ganun kami ngayon," sabi ni Dennis.

What does he like most about Bianca?

"Pribadong tao, edukada at sophisticated."

When asked if they were already a couple, the actor said: "Hindi pa, hindi pa. Sadyang wala pa kami sa stage na yun."

What is keeping Dennis and Bianca from going to the next level?

"Aside from busy kami pareho, pare-parehong mag-i-start na ang shows namin, uhm, siguro mas ano lang para lang mas sigurado, siguro mas maganda lang na dahan-dahan."

Has Bianca met Dennis's son Calix?

"Na-meet na niya once. Okay naman."

Will they be celebrating Valentine's Day together?

"Ayokong magsalita ng tapos pero malamang ganun na nga," said the bachelor.

In a previous interview with PEP.ph, Bianca said that with effective time management, she and Dennis find time to go out.

She also said that her mother already knows Dennis.

"Basta happy ang mommy ko sa nangyayari sa lahat. Kahit sino naman, mahalaga yung approval ng mga magulang," said Bianca.

MOM'S APPROVAL. When asked to comment about gaining the approval of Bianca's mom, Dennis said, "Siyempre masaya...sino ba naman ang hindi matutuwa dun?

"Gusto kong mag-thank you dahil in-express niya freely ang nararamdaman niya at malaking bagay yun para sa akin.

"Base sa mga nakaraan ko, para sabihan ng ganun, malaking bagay yun para sa akin. Thank you.

"Kilala naman natin si Bianca at alam natin na galing siya sa matinong pamilya."

He said he first met Bianca's mother when he was still working on the GMA-7 fantaserye, Mulawin.

He recalled: "Na-meet ko ang mommy ni Bianca noong Mulawin days pa lang and after nun, hindi ko na siya nakita. Baka this coming February, umuwi siya rito."

FRIENDS AGAIN. One of the biggest stories last year was the breakup of Dennis and Jennylyn Mercado.

Dennis said he and his former girlfriend made peace in 2012.

"Kasi matagal na yun, di ba? Marami nang nangyari, marami nang naganap.

"Once pa lang naman kami nagkita sa Party Pilipinas. Okay naman at maayos na."

No hard feelings?

"Wala na po kasi hindi ka matatahimik kung magkikimkim ka lang ng galit.

"Hindi ka makakatrabaho nang maayos at hindi mo magagampanan ang kailangan mong gawin habang mayroon kang tinatagong poot sa loob ng puso mo."

Has becoming friends again rekindled old feelings?

"Old feelings natatago mo sa puso mo, pero iba na ang panahon, iba na ang sitwasyon ng mga bagong nakilala so nandun pa rin ang old feelings pero nakatago pa rin sa isang lugar ng puso mo."

Is he open to working with Jennylyn Mercado?

"Posible siguro pero sa ngayon, naka-focus ako sa ginagawa ko kasi kakasimula lang ng Biritera.

Are they friends again?

"Oo naman, kalimutan na lahat. Simula nang bago kaya kung may pagkakataon na ganun, wala naming problema."

STARRING IN BIRITERA. Starting February 6, Dennis will be seen on the primetime show Biritera along with Glaiza de Castro, and Angelika dela Cruz, among others.

It stars newbie singer-actress named Roseanne Magan who was able to beat hundreds of other girls who auditioned for the coveted role.

The show's director, Maryo J. delos Reyes, revealed that initially, there was a shortlist of five candidates. The list was whittled down to two and he picked Roseanne.

He described the 10-year-old newbie: "Maganda ang attitude niya. Maganda ang kanyang background.

"Very, very open ang kanyang mentalidad na maging artista at singer."

Dennis discussed the plot of the show: "May banda kami dito called The Bridge.

"Hindi siya ang typical na may ka-love interest ako...mas lamang ang pagmamahal ng isang tao sa nawawala niyang kapatid."

He complimented Roseann, "Kahit baguhan siya, natural talaga siyang umarte saka sobrang fresh at napakadali niyang mag-adapt." -- Jocelyn Dimaculangan, PEP

source:gmanetwork.com

Tuesday, January 17, 2012

'Charice, One for the Heart'

International singing sensation Charice, comes home once again to celebrate Valentine's Day with her Kapuso fans thru a television special aptly entitled "Charice, One for the Heart."

The Pinoy Pride is back, and she is all grown up–her voice more breathtaking, and her stance more powerful before her audience. This time with her very own band that she takes to her international tours, Charice performs songs closest to her heart–songs that talk about her journey as an artist, and her plight as a daughter ever loving to her parents and family.

Charice also pays tribute to well-loved OPM love songs as she shares the stage with Pop Balladeer Mark Bautista, and RNB Prince Jay-R. Another must-see on the show is a tender moment where Charice sings to her father Ricky Pempengco who passed away last year.

Get to know the latest from Charice as she sings a few hits off her second international studio album Infinity, and talks about an Asian tour happening very soon.

Watch also the country’s most sought-after love teams, newly-weds, and most celebrated couples, as they share their love stories and give a prelude to each special performance by Charice.

Directed by Louie Ignacio with his team behind the acclaimed "Charice – Home for Valentine’s" (2011), the International singing sensation promises to captivate and capture hearts once again on "Charice, One for the Heart" airing this February on GMA. - GMA News

source:gmanetwork.com

Thursday, December 1, 2011

Solenn Heussaff, ibinisto ang paboritong panty na suot sa pagtulog


Game na sinagot ng Kapuso “it girl" na si Solenn Heussaff ang mga tanong na ibinato sa kanya ng mga host ng GMA News TV's Showbiz Exclusive kabilang na ang paborito niyang suot at posisyon sa pagtulog.

Sa panayam nina Aubrey Carampel at Tim Yap ng Showbiz Exclusive nitong Huwebes, sinabi ni Solenn na mas gusto niyang matawag na “jologs" kaya “socialite."

“Kasi nakaharap sa tv ngayon (kaya maayos ang itsura) pero sa totoong buhay like naka-slippers lang ako, short, t-shirt, tapos game ako sa lahat ," paglalarawan ni Solenn bilang isang “cowboy."

Pagdating sa pagkain, sinabi ng multi-talented Kapuso star na sinigang at corned beef ang kanyang paborito.

Bukod sa pagiging artista at modelo, nagpipinta rin si Solenn, make-up artist, singer, at minsan ding naging bartender.

Ang mahaba raw naman niyang legs ang paborito niyang parte ng kanyang katawan.

“Kasi yung mga tao they think na sobrang tangkad ako. Pero sa totoong buhay, ‘ah maliit ka pala,’ ganun. Five-six (tall) lang ako pero mukha akong matangkad dahil sa legs," paliwanag niya.

Pagdating sa pagtulog, ibinisto ni Solenn na “granny panties" ang paborito niyang suot dahil kumportable siya sa mga walang garter.

At ang paborito niyang posisyon kapag natutulog, natatawa niyang sagot: “Fetus… naka-ballerina parang ganyan (nakataas ang kamay na nakatihaya)."

Sa kanyang pagiging calendar girl ng isang brand ng alak para sa 2012, sinabi ni Solenn na masaya at excited siya dahil very successful ang actress-model na kanyang sinundan na si Anne Curtis. -- FRJimenez, GMA News

source: gmanetwork.com