Sunday, March 11, 2012

Dolphy recovering at home


MANILA, Philippines - King of Comedy Dolphy is very much alive, contrary to the rumors that came out recently.

Kasalukuyan daw nasa bahay nito si Mang Dolphy at doon nagpapagaling taliwas sa napabalitang diumano’y namaalam na ang komedyante na kumalat noong Sabado, March 9.

Kinumpirma sa amin ni Nene Riego, columnist at PR lady ng mga Quizon, na maayos ang kalagayan ni Mang Dolphy at walang katotohanan ang malisyosong balita.

Makailang ulit nang napapabalita ang tungkol sa diumano’y pagpanaw ni Mang Dolphy sa dyaryo at telebisyon kaya hindi na daw sila nagulat sa pinakahuling naglabasan tungkol sa kalusugan ni Mang Dolphy.

“As of today, wala sa ospital, nasa bahay si Mang Dolphy at doon nagpapahinga at saka kung talagang malala na ‘yung kalagayan niya, nasa ospital siya dapat di ba? E, nasa bahay nga,e.

“So it’s not as serious as what people are saying or thinking about him.Saka nakikibalita rin ako kay Zsa Zsa (Padilla), according to her, ‘he’s coping’.

“So, ano ibig sabihin nu’n, di ba? Okey si Mang Dolphy,” nagging pahayag sa amin ni Tita Nene nang ma-interview namin sapamamagitan ng telepono.

Nakausap din daw ni Tita Nene ang cardiologist ng Comedy King na si Dr. Gary Lopez.

“Very positive nga si Dr. Lopez, e, that he will recover. Saka kagagaling lang si Doc sa Europe, silang mag-asawa. E, kung delikado ang lagay ni Mang Dolphy, hindi niya ‘yan iiwan.

“Alam mo naman ang mga doktor sa kanilang pasyente, hindi basta aalis ng bansa ‘yan kung talagang alam nilang kailangang tutukan nang husto,di ba?” naging explanation pa ng publicist ng mga Quizon.

Inamin ni Tita Nene na talagang labas-masok na ng ospital ang Comedy King dahil sa sakit nito. At hindi tulad noon, mahina na rin ang komedyante.

“Talagang down ang immune system niya ngayon. Saka let’s face it, Mang Dolphy is 83 years old turning 84 in July 25.

“With his condition, we cannot expect him to be like Wendell Ramos or Diether Ocampo. Hindi nga ako makadalaw kasi kung may sipon or ubo ako, siyempre madaling mahahawa ang pasyente.

“Kaya nga minsan naka-mask din ‘yung mga dumadalaw sa kanya.

Saka maingat lang talaga si Zsa Zsa na kapag inaatake ng asthma at sabayan pa ng emphysema, dinadala na niya ‘yun sa ospital bago pamaging pneumonia.

“Masyadong maingat din si Zsa Zsa. Basta kumbaga, they’re on the day to day basis at tanggap na nila ang kundisyon ni Mang Dolphy,” ayon kay Tita Nene.

“Saka umuwi rin dito ‘yung isang anak ni Mang Dolphy from the States, si Marquita. Pero nakabalik na ulit siya. So doon pa lang, di ba, iiwan mo ba ang tatay mo kung alam mong nagbibilang na lang ng oras?

“Kaya talagang hindi,e,” dagdag pa niya.

Madalas daw dumalaw sa Comedy King ang mga anak nitong sina Ronnie Quizon, Epi Quizon, Vandolph at ang apo ni Mang Dolphy na si Boy 2 Quizon.

Pag-iyak ni Zsa Zsa nilinaw

Samantala, nilinaw din ng publicist ang pag-iyak ni Zsa Zsa kamakailan sa naganap na presscon ng teleseryeng “Budoy” kung saan isa sa cast ang singer-actress.

“Napaiyak siya dahil mami-miss daw niya kung mga kasama niya sa teleserye na naging very understanding sa kanya.

“Minsan kasi dumarating siya sa set na wala pang tulog dahil galing siya kay Mang Dolphy, at naiintindihan daw ‘yon ng mga kasama niya. Kaya napaluha si Zsa Zsa,” paliwanag ni Tita Nene.

source: interaksyon.com